"Ayokong magmahal, ayokong magka-boyfriend at higit sa lahat ayokong magkaroon ng anak.” Yan ang sinabi ni Ainsley sa sarili. Duwag na kung duwag pero ayaw niya nang masaktan muli at ayaw niyang maging katulad ng pamilya nila ang magiging pamilya niya. Wala siyang pakialam kung magiging mag-isa lang siya sa buhay pagdating ng panahon basta alam niya sa sarili niya na hindi na siya masasaktan pa. Makikisama nga ba ang tadhana sa nais ni Ainsley o mas lalo pa siyang paglalaruan nito? Matututo kaya siyang magmahal o mananatili siyang single hanggang siya ay tumanda? Panahon lang ang makapagsasabi kung ano nga ba ang mangyayari sa kaniya.