Sa 21 years of existence niya sa mundo ay hindi niya man lang nakitang naging masaya ang kaniyang ina. At dahil dun ay sinubukan niya ang isang hindi kapanipaniwalang bagay; ang humiling sa isang wishing well. She wished to change her mother's past to also change the present and so as their future. Pero imbes na magbago agad ang nakaraan at hinaharap ay napunta siya sa panahon kung saan masaya pa ang kaniyang ina kapiling ang kaniyang ama at mga kaibigan. Kailangan niyang maging mamuhay sa panahon na iyon bilang isa ding kaklase at kaibigan ng kaniyang magulang hanggang sa araw na nais niyang baguhin. May mga bagay rin na hindi niya inaasahan ang mangyayari. At isa dun ay ang pagtagpo ng landas nila ng lalaking mamahalin niya pala. Ngunit hindi maari dahil siya ay galing sa hinaharap at ang lalaking mahal niya ay galing naman sa nakaraan. Ano kaya ang pangyayaring nais niyang baguhin? Magagawa niya kaya ang dahilan kung bakit siya bumalik sa nakaraan? Paano kaya ang pagmamahalan nila ng lalaking mahal niya kung isang araw ay mawawala din siya at babalik sa tunay niyang panahon? At tulad ng pangalan niya, maging isang milagro kaya siya?