Si Valerian ang masungit at mailap na captain ng Team Wizkywaker. Si Selena naman ang miyembrong matigas ang ulo na may kakayahang tinatawag na Super Senses. Hindi naging maganda ang simula nila, lalo na't minamaliit ni Valerian ang dalaga, ngunit si Selena pa rin ang nagligtas sa kanya mula sa madilim na balak nitong pagpapakamatay. Sabi ng lola ni Selena, nakatadhana sila sa isa't isa. Pero paano magkakatotoo ang tadhana kung ang kapangyarihan ni Valerian na Ash Magic ay tumutupok sa lahat ng kanyang mahawakan? Sa kabila ng kanilang hindi pagkakaunawaan, mapipilitan sina Selena at Valerian na magsanay nang magkasama bilang team para sa paghahanda sa nalalapit na digmaan. Sa gitna ng mahihirap na training at panganib, unti-unting guguho ang pader sa pagitan nila. Started: January 01, 2020 Ended: July 29, 2021
More details