Nawala ang lahat kay Laureta nang masangkot sa corruption issue ang ina niya at makulong ito. Lahat ng ari-arian, karangyaan sa buhay, kasikatan, at pagiging matagumpay nila ay naglaho na parang bula. Sa kamalas-malasan ay naka-buntis pa ang nakatatanda niyang kapatid. Kasunod nito ay inatake naman sa puso ang kanilang ama. Nobody wants to help them out. Laureta was desperate, she wanted to help their family. Gagawin niya ang lahat para sa pamilya niya. Sa paghahanap ng trabaho ay nakilala niya si Hubert Roadghe Saavedra. Natuwa siya dahil akala niya'y siya na ang sagot sa problema niya. Pero nagkamali siya, dahil mas lalo lang lumala ang lahat.