"Siguraduhin mong kaya mong pumasok sa mundo ng RP..
Mahina ang loob mo?
Bawal ka.
Mahilig kang mag pa uto?
Bawal ka.
Mabilis kang magtiwala?
Bawal ka.
Pusong mamon ka?
Bawal ka.
Matapang ka?
Tara.
Matalino ka?
Tara
Hindi ka kj?
Tara.
Hard to get ka?
Tara.
Ano? Kaya mo ba?" Sabi ng kaibigan kong si Marshine with maching low voice and creepy sound effects (luh? May ganon?)
Lecheng to ah! Tinatakot ako!
"Hoy wag ka ngang manakot bakla!" Sigaw ko sa kanya..
"Anong nakakatakot sa sinabi ko?! May sinabi ba akong ' besh Pag pumasok ka sa RPW ma e-encounter mo muna si Sadako, si chuckie, si annabel tapos magbabayad ka ng entrance fee na 100 tapos papasok ka sa machine gugutay-gutayin yung damit mo tapos Kukunin yung balat mo sunod kukunin yung Ilong,mata,tenga, bibig, ngala-ngala mo , tapos i beblender tapos kakatay----"
"Teka! Teka! Besh! Brutal ka na masyado ah! Bat ba tayo napunta sa katay-katay na yan?! RPW ang pinag uusapan natin noh!" Sigaw ko na naman sa kanya..
"Ay Oo nga! Teka wait! Pagod na yung ngala-ngala ko! Tuloy na lang natin sa prologue" sabi ng baklang marshine..
"Psh, sige na nga!"
PS. Kahit di kayo RP pwede nyo pa rin basahin to ,i-explain ko naman eh,haha
Enjoy!
Date started: May 17,2018
Date ends: ----