Nagising si Hannah na walang kahit na anong maalala. Ang tanging alam niya ay may gustong pumatay sa kanya. “Mamamatay ka na.” Sambit ng tinig sa kanyang isipan, ngunit bago pa man nito maisagawa ang plano’y may dalawang nilalang na nagligtas sa kanya. Sa kanyang panibagong buhay, naranasan ni Hannah ang mamuhay kabilang sa komunidad na puro mga bampira lamang ang naninirahan. Kaharian ng Zamaria kung ito’y tawagin, tahanan ng natatangi at malalakas na mga bampira. Nakasanayan na sana ni Hannah ang kanyang kasalukuyang buhay nang dumating sa paaralan nila ang anim na dayong mga bampira. Iisa ang misyon ng mga ito, ang dukutin si Hannah. Ano nga ba si Hannah? At ano ang misteryong nakabalot sa buong pagkatao nito?
58 parts