Itsaso Narinig mo na ba? Alam mo na ba ang mga tulad nila? Itsaso ang mga taong may kakaibang kakayahan. Mga taong nabiyayaan ng kakaibang talento. Kakaibang lakas,liksi,bilis,talino, talas ng pakiramdam, at nagtataglay ng iba't ibang uri ng kapangyarihan. Itsaso ang mga taong kayang komontrol sa apat na elemento ng mundo. Ang Hangin,Apoy,Lupa at ang Tubig. Pinamumunuan sila ng mga Diyos at Diyosa ng bundok ng Olympic. Subalit nagkaroon ng matinding alitan sa pagitan ng mga Diyos at Dyosa. Nagkagulo. Nagkaroon ng Digmaan. Diyos laban sa Diyos. Dyosa laban sa Dyosa. Itsaso laban sa Itsaso. Pagkatapos ng lahat. Napag-isipan ng Itsaso na maghiwahiwalay at tuluyang lisanin ang bundok ng Olympic. Ang Itsaso ay nahati sa apat. Makanians ang kayang komontrol sa elemento ng Hangin. Flamers ang may mga kakayahang komontrol sa elemento ng apoy. Terrarians ang biniyayaan ng kakayahang komontrol ng kalikasan. At ang Atlantians. Ang may kakayahang komontrol sa elemento ng tubig. Nahati sila sa ibat ibang parte ng mundo subalit may iisang adhikain. Ang protektahan ang sangkatauhan laban sa mga gustong manakit dito. Ang protektahan sila kahit buhay pa ang kapalit nito. Subalit hindi nila maaaring ibunyag ang pagkatao nila sa kahit kanino man. Subalit isa na sa kanila ang lumabag. Isa na sa kanila sumira. Maraming buhay ang nawala. Maraming inosente ang nasaktan. Digmaan. Atlantians laban sa Atlantians Atlantians laban sa tao Isang malaking pagkamamali ang nagawa dahil lang sa kagustuhang maghiganti. Dahil lang sa kagustuhang pumatay. Isang kasalanan lahat ay mapaparusahan. Iisang Atlantians ang may kagagawan pero lahat ay pahihirapan. Kaya ikaw handa ka na ba? Handa ka na bang alamin ang pagkatao nila? Handa ka na bang alamin kung nasaan sila? Handa ka na bang tuklasin ang misteryo sa likod ng pagkatao nila? Kayat halika na sama sama nating tuklasin at alamin ,sabay sabay nating pasukin ang Amphitrite University - Fantasystic -All Rights Reserved