Ang mahiyaing si Gian ay kinuha ng pamilya ng tiyahin niya para pag aralin sa Amerika, kaya naman habang buhay niyang tatanawin ang utang na loob sa mga ito. Nang ireto sa kanya ng pinsang si Leslie ang bestfriend nitong si Mark, hindi niya alam kung paano sasabihin dito na may iba na siyang napupusuan, si Logan. Ngunit paano niya nga bang sasabihin gayong si Logan at siya ay hindi halos magkakilala sa labas ng boiler room, kung saan madalas sila magtagpo at gawin ang bagay na dapat ginagawa lang ng magkasintahan