Kabado at sobrang lakas ng Kabog ng dibdib ko habang papalapit sa taong Pinagaalayan ko ng tula ko, Ang lalaking halos Mag aApat na taon ko ng sinisilayan sa malayo Ang lalaking naging inspirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko Ang lalaking Pinapantasya at hinahangaan ng halos karamihan sa babaeng nagaaral sa Eskwelaha'ng Pinapasukan ko Ang lalaking Alam kong Imposibleng Mapansin ako. habang papalapit ako ng papalapit sa kanya ay pabilis ng pabilis ang kabog ng dibdib ko na halos hindi nako makahinga ng Maayos dahil dito Nagdadalawang isip pa'ko kung iaabot ko ba o Lalagpasan na lamang siya habang kasama ang mga Kaibigan nya, Kaso sa kasamaang Palad Hinila ako ni Mel at Marie Papalapit mismo sa kanya hindi ako makagalaw parang animo'y naistatwa ako sa kinatatayuan ko habang napatigil siya at ang kanyang mga kaibigan sa pagkkwentuhan at pagtatawanan nila Nanginginig kong Iniabot mismo sa kanya ang panghuling Tulang ginawa ko para sa kanya habang pinalilibutan sya ng mga kaibigan nya at nakatambay malapit sa Room kung saan ang huling subject na papasukan ko Kasabay ng pag Abot ko ng Panghuling tula sa Kanya ang Pagtagaktak ng pawis ko at Pagkabog ng sobrang Lakas ng Puso ko Habang Pauulit ulit na Sinasabi ng utak ko na Sana tanggapin nya ang Tulang iyon. Hindi ako nabigo Pagka Abot nya ng Tulang Ginawa ko Kumaripas ako ng takbo Papuntang Girl's Comfort Room at nagkulong sa isa sa mga Cubicle habang Tagaktak ang pawis sa Aking mukha at nanginginig ang tuhod at kamay ko kasabay ng mga ito ang pagkabog ng sobrang lakas padin ng dibdib ko biglang nagreflect sa memorya ko ang napaka ganda nyang Ngiti na Mistulang Enerhiya ko sa Araw araw Dahilan para makaramdamn ako ng Kaba at Pagkabog ng aking Puso -Inspired by: Isang Daang Tula Para kay Stella -All Rights Recieved -(c) notmjjjTous Droits Réservés
1 chapitre