Phr Book Imprint Published In 2007 "When you came along... I could feel I Was given another chance to discover happiness again... And I won't pass up on that chance." Nalukot ang noo ni Matthew nang sabihin ni Lirio na hindi na siya puwedeng bumalik sa bahay nila pagkatapos na mabundol siya nito. Somehow, nakuha naman agad ni Matthew ang gusto niyang mangyari. Pero ipinaintindi nito sa kanya na hindi siya pinabayaan kahit in the first place siya ang may kasalanan kung bakit nabundol siya nito. Guwapo lang talaga ang lalaki pero para itong taong-robot. Malamig. Bato. Nakiusap pa rin si Lirio na magpakupkop dito--desisyon na kapit sa patalim. Dahil pupulutin siya sa lansangan, o bapalik sa tao na gustong humalay sa kanya kapag hindi siya tinulungan ni Matthew. Na-realize niya bandang huli, dapat pala hindi na lang siya nagpilit. Dahil sasaktan lang pala siya ni Matthew.