Alam mo ba yung feeling na nadyan lang sya malapit sayo, pero kahit super lapit na nya sayo hindi mo pa din masabi sa kanya yung mga gusto mong sabihin kasi nahihiya ka o mas tamang sabihin ay natatakot kang mareject? Well sad to say, ramdam na ramdam ko yon, ako nga pala si LAURAINE ANN VELASCO and YES matagal ko ng CRUSH si CHADRICK CHACE WILLIAMS a.k.a. CHAD. Classmate ko sya since 1st year highschool, at sabihin na nating crush at first sight ko sya. I’m already 4th year this coming pasukan and up to now hindi ko pa din nasasabi sa kanya ang feelings ko. Hays kelan pa kaya ako magkakaroon ng sandamakmak na lakas ng loob at bumabahang kapal ng muka para mapagtapat ko na ang nararamdaman ko sa kanya. May chance pa kayang maging Two Hearts That Beat As One itong One-Sided Love ko??