SYNOPSIS: Nakasanayan na ni Yvonne ang mabuhay sa dilim na nagisnan niya, mula pa noon ay wala na siyang hiniling kung hindi ang balang araw ay maihaon ang pamilya sa hirap. Gusto niyang isisi sakanyang ama ang naging buhay nila ngayon. Iniwan sila nito noong mga bata pa lamang sila, ang tanging dinala nito ay ang kanyang kambal. Hindi man niya alam ang dahilan nito ngunit sapat na ang mga nararanasan niyang hirap para kamuhian ito. Ang buong akala niya ay hindi na niya makikita pa ang mga ito. Ngunit isang araw, hindi niya inaasahang makikita pa ang kambal. Akala niya ay hinahanap sila nito ngunit kakaibang ugali ang pinakita nito na mas lalong nagpagalit sakanya. Gusto nitong magpanggap siya bilang ito at ang siste ay makakasama pa niya ang kanyang ama! Tinanggihan niya ito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon na sinamantala ng kanyang ganid na kambal ay nagbago ang lahat. Tinanggap niya ang alok nito, akala niya ay magiging maayos ang kanilang buhay. Akala niya ay magiging madali lang ang sitwasyon ngunit hindi pala, lalo na nang makilala niya si Ashton na may achromatopsia. Ang ampon ng mga Cervantes, ang lalaking mabigat na mabigat ang loob sakanyang kambal. Hanggang saan ang itatagal niya kung habang tumatagal ay palala na ng palala ang nangyayari sakanyang buhay? Sa pagpasok niya sa pamilyang Cervantes, handa ba niyang harapin ang lahat? Is her dark life could turn into a rainbow? O sakit lang lamang ang iiwan nito sakanya?