For Jeric Gonzales and Kyline Alcantara fans. Just a short story.
Jeric Gonzales as Himself
Kyline Alcantara as Herself
=The story focus on KYLINE's POV=
"Ako si Kyline, lumaki ako sa poder ng lolo at lola ko dito sa sta.maria, province ng Bulacan. Simpleng buhay, dito sa up and down na bahay nila lolo at lola na ako nagkaisip, kahit medyo may kalumaan na maganda parin. Masaya naman ako/kami sa buhay kahit tatlo nalang kaming magkakasama mula ng mawala na si mommy. Nalungkot din naman ako nang mamatay sya pero naisip ko wala na talaga sya, eto na yun' ako nalang, ako nalang ang inaasahan ng lolo at lola, lahat ng kamag-anak namin ay nasa malayo at nasa ibang bansa na ang iba. Si mommy naman ay nag-iisang anak lang. Parang ako, solong anak din. Ang daddy. Nanduon. Nanduon sa Maynila. Kung saan? Hindi ko alam."