Clah, Sa room 92F tayo unang nagkita, fourth year high school. Nakaupo ka sa may first column, first row, habang ako'y nakaupo sa iyong kanan, pinagmamasdan ang iyong angking kagandahan. Habang tumatagal ang taon, dumadami ang mga kuwentuhan, kainan, tawanan, at asaran na ating pinagsasaluhan sa silid-aralan na tinawag nating "tagpuan." Habang paunti nang paunti ang oras na natitira bago ang graduation, palalim naman nang palalim ang pag-ibig na nararamdaman ko para sa'yo. Dumating na ang huling araw natin sa high school, suot natin ang puting toga at cap habang hawak-hawak ang diploma. Nag-iyakan habang kinakanta ang madramang graduation song. Nagkasundo tayo na pagkatapos ng graduation ceremony, magkikita tayo sa ating tagpuan. Doon ko sana sasabihin kung gaano kita kamahal, kung gaano ko kagusto na makasama ka habangbuhay, at mangangako na sabay nating babaguhin ang mundo sa pamamagitan ng pagtuturo. Nagdala pa nga ako ng bouquet ng sunflowers, kasi alam kong iyon ang paborito mo. Nag-antay ako ng five minutes, 15, 30, isang oras. Pero hindi ka dumating. Pagkatapos noon, hindi ka man lang nagpaparamdam. Dumaan ang ilang araw, linggo, buwan, at taon nang wala akong naririnig mula sa'yo. Tapos pagkalipas ng limang taon, kung kailan malapit na kitang makalimutan, bigla ka nanamang susulpot sa aking buhay? Wow ah.All Rights Reserved
1 part