Paliparan ang pinakamalungkot na lugar para sa akin. Ang paglisan ng isang minamahal ay napakasakit. Kahit pa ang dahilan ay ang ikakaasenyo ng inyong buhay. Ang pag-alis upang magbakasyon ay dapat masaya na maituturing. Ngunit kahit saang anggulo pa ito tingnan. Dadating at dadating ka sa punto na mawawari mo na ikaw ay nahiwalay sa mga taong mahal mo kahit sandali man ito. Ang pagbabalik ay may dalang saya. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon. Tatlong taon, walong buwan, sampung araw, at apat na oras. Ganyan katagal akong wala sa Pilipinas. Bumalik ako dahil sa aksidente na nangyari apat na araw na ang nakakaraan. Aksidente na kinasasangkutan ng kaibigan na limang taon ko nang di nakakausap. Lima. Bilang ng taon na sadyang hindi sapat upang makalimot. PANGALAWA ni Ryu RonquilloAll Rights Reserved
1 part