"Hayaan mo, titigil din naman ako. Nakakasawa din pa lang mag-habol sa hangin. Hihintayin ko na lang dumating ang araw na nag-sisisi ka." Iyan ang mga sinabi ni Bleanna kay Mhuel na hindi niya mabura-bura sa kaniyang isipan. Ito ang naging susi para marealize niya na dapat mo talagang pag-isipan muna ang isang bagay bago mo gawin dahil ang PAG-SISISI AY NASA HULI. Huwag mo nang hayaan na humantong ka sa panahong ikaw na lang pala ang nanghahawakan sa nakaraan. Baka hanap-hanapin mo ang bagay na kailan ma'y di na babalik pa. Ang nakaraang di maaring mangyari sa hinaharap. Pinilit niya namang itama ang mga maling desisyong niyang nagawa. Pinili ni Mhuel na muling hanapin si Bleanna, nagbabakasakaling baka pwede pa. Nagbabakasakaling siya pa rin. Ngunit nalaman niyang huli na siya, wala na siyang magagawa. Sa huling pag-kakataon ay sumulyap muna si Mhuel, kahit na masakit makita. Nauwi na lamang ang pag-asa niya na baka maisalba niya pa sa pagpiling ihakba na ang kaniyang mga paa papalayo kay Bleanna dahil alam niyang mas sasaya ang buhay nito ng wala siya. "Ngayong natuldukan na ang storya natin ito ay naniniwala akong may bagong storya ang isisilang upang ipagpatuloy ang storyang naudlot. Handa na aking bumitaw sa nakaraan at handa nang humawak sa kasalukuyan." __________________________________________________________________________ This story is under editing pa po so expect some errors. Language used: Taglish