Siyam na taon si Lara nang una niyang makita si Jaime, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan niya ang pagiging malapit nito sa sarili niyang ina. Sa pakiramdam niya'y lahat ng mahal niya'y nakuha na ni Jaime ang atensyon. She was seventeen nang makita niya ang sariling ina sa silid nito kayakap ang binata. Pero walang gustong maniwala sa kanya, kahit ang sariling ama na ganoon na lang ang pagmamahal sa asawa at tiwala kay Jaime. Siya ang gumawa ng pasya. She left her home. Nang mamatay ang mga magulang niya'y muli siyang nagbalik upang malamang kay Jaime ipinamana ng mama niya ang villa, ang inheritance na dapat ay sa kanya. She despised him. Pero bakit hindi magkapuwang ang ibang lalaki sa buhay niya? Bakit sa kabila ng galit niya'y nadadarang siya kay Jaime.