Mily Eugenio Cansilao came from an orphanage. Namatay na ang kanyang ama't ina sa hindi malamang dahilan. She grew up being a loner. An introvert, silent and reserved. Nasanay na siya sa mga matang sumusunod tuwing dumadaan siya, hindi dahil maganda ito, kundi nawiweirduhan sila dito. Kinibit balikat niya lang ang lahat. Wala siyang pakialam sa paligid. Hangga't mayroon ang kanyang kaibigan ay sapat na ito sa kanya. Oo, siya ay may kaibigan. Despite her being an introvert, she still maintained to have a friend. But this friend is unusual, very bizzare. It was a toy, a doll to be exact. Ito lang ang natatanging gamit na iniwan sa kanya ng kanyang magulang. Nasaksihan ng laruang ito ang bawat pagiyak, bawat tagumpay at bawat sikreto niya.
Paano kaya siya makakasiguradong hinding hindi siya iiwan ng kaibigang ito? Paano kung isang araw ay mawawala siya sa tabi niya? Na wala na ang bagay na nagpapagising sa kanya sa umaga at dahilan ng pagtulog niya ng mahimbing..
She never liked goodbyes. Never was. Never will be.