Si Elsa Montejo ay isang ordinaryong kolehiyala na nag-aaral sa isa sa mga unibersidad sa Cebu ang CIT-U (Cebu Institute of Technology-University). Ang simpleng pananatili niya sa unibersidad ay nagbago mula ng nakilala niya si Lynx. Ang kanilang pagkakaibigan ay nauwi sa pagmamahalan. Ngunit ang masasayang sandali ay nauwi sa trahedya. Kahit ilang taon na ang dumaan ay di pa rin nakalimutan ni Elsa ang sakit ng nakaraan. Isang araw ay iniligtas siya ng isang lalaki na muling nagpaalala ng kanyang nakaraan na pilit niyang kinalimutan. Sino kaya ang lalaking ito? Bakit ang mga mata niya, labi, boses at buong anyo ay kahawig sa lalaking minahal niya noon? Posible kaya na si Lynx ito---her ex? O isa lang siyang karakter na nagmula pa sa nakaraan ngunit hindi niya lang nakilala? Siya na kaya ang lalaking magbibigay ng panibagong kabanata? O ang lalaking maghahatid muli ng bangungot sa buhay niya?