Si Stella Maree Brigonia, kaklase ko na mula pa noong seventh grade. One of the boys, athletic, skilled, matalino at may karisma. Napakaganda niya't maraming may crush sa kanya. Famous, pero ayaw niya nga lang sa mga extra-curricular activities, events, o sa kahit na anong gawain maliban sa pag-aaral. At kahit na marami siyang kaibigan ay hindi talaga siya mahilig gumimik. Siguro nga ganoon talaga siya. At tulad ng nakararaming classmates at schoolmates ko, gustong-gusto ko rin siya, sobra.
Hanggang sa nakita ko siya isang gabi, hawak ang isang matalim na kutsilyo, at duguan sa ibabaw ng isang bangkay.