Ginawa ko ang story na 'to para sa kanya. Para sa kanila. Para sa mga katanungan nila. Para sa paghingi ng tawad. Para sa nawawala. Para sa paghihiganti. Para sa katotohanan. At para sa nakaraan. Gusto kong ikonekta ang nangyari noon sa mga pinagdaraanan nila ngayon. Gusto kong malaman nila na ang bawat pangyayari ay hindi lang basta coincidence. Lahat yon may dahilan. Lahat nang yon pinag-isipan. Ako si Eiji Lee. Hayaan nyong ikwento ko sa inyo ang buhay nila. At ng babaeng nagsimula ng lahat.