Dahil sa Tita Karina niya, kinailangan niyang manilbihan kapalit ng pagpapagamot nito sa ibang bansa.
Kahit sa pinaka-ayaw niyang lugar pupuntahan niya manatili lang na malusog ang kanyang itinuring na ina.
Pero hindi niya akalain na maninilbihan siya sa taong hindi niya nakikita. Tanging paglinis at pagkain lang ang kanyang ginagawa.
Isang araw ay pinayagan siyang makapasok sa pribado nitong lugar sa pag-aakalang makikilala na niya ito. Pero kahit anino nito ay hindi man lang niya maaninag.
Isang gabi ng halik galing sa estrangherong lalaki. Ilang gabing hindi nakatulog dahil sa mga nangyari. Mga nangyari kung bakit tumibok ang kanyang puso.
Pero...
Lumipas ang mga panahon, sa isang pagkakamali natutunan niyang mahalin ang lalaking nagtatago sa likod ng pintoan.
Tunghayan ang istorya ni JOANA MARIE DEL MONTE!Tutti i diritti riservati