Ang kwento ng pag-ibig na tila ba pinagkaitan ng pagkakataon. Ang kwento kung saan isang beses lang sayo ipinaranas ang makasama ang taong gusto at pinakamamahal mo. Pagkakataon kung kailan dapat sinabi mo na lahat ng bagay na dapat mong sabihin dahil baka iyon na ang simula kung kailan maaaring magbago pa ang lahat.