Key chain --- bagay na nagpapaalala sakin sa nakaraan, nakaraang pilit kong binabaon sa limot at tanggapin ng buong puso.
Matagal na ang nakakaraan pero andito parin siya sa isip ko at patuloy na ginagambala ang kasalukayang buhay ko.
Andito parin siya sa puso ko, puso na tumitibok para lamang sakanya.
Siya si Kim, ang unang lalaking dumaan sa buhay ko. Unang lalaking nakagaanan ko ng loob at nakasama ko sa pag-umpisa ng pagkabata ko.
Siya ang unang taong nagparamdam sakin ng pag-ibig.
Pero sa di malamang dahilan ay umalis siya. Umalis ng walang paalam at hinayaan akong maghintay sa pinaglalaruan namin.
Makakaya ko pa kaya siyang patawarin oras na malaman ko ang rason niya? Magagawa ko kayang tanggapin ulit siya sa buhay ko ng buong-buo? May tamang oras pa kaya para mag-umpisa ulit kami na parang walang nangyari?
May puwang pa kaya saming dalawa ang pag-ibig?
Dahil sa key chain nag-umpisa ang lahat. Dahil rin ba sa key chain mabubuo ang nabasag na nakaraan namin?