What's Wrong with Miss Alex?
31 parts Complete MatureMeganne Lou Laxa o mas kilala bilang si Meg o Secretary Laxa, she worked hard as the CEO's Secretary sa Estrellas Group ngunit after 10 years she resigned due to personal reasons. Gusto niya rin kasing magawa ang mga oridinaryong bagay lang sa iba pero impossible sa kanya, gusto niyang hanapin, ano ba talaga ang para sa kanya? But little did she know na ang katulad niyang mapagmahal sa pamilya, positive, dedicated, maloko at pala ngiti ay magiging the one ng isang taong hindi pa buong tanggap ng lipunan.
Sa tagal ni Secretary Laxa na nagtratrabaho sa Estrellas ay nakatagpo na rin ito ng mga tunay na barkada at ng taong tinuturing niya bilang kanyang matalik na kaibigan sa matagal na panahon, si Alex Estrellas ang bunso ng pamilyang nagmamay-ari ng kompanyang kanyang pinagtratrabahuhan. Ngunit biglang bumaliktad ang mundo ng sabihin ni Alex ang mga katagang, Meganne Lou Laxa, mahal kita, mahal na mahal kita higit pa sa pagiging kaibigan.
Ilang taong naging alipin si Meg ng pagkakataon, na halos mawalan na ito ng sariling buhay para lang maitawid ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Ngayon? Handa pa rin ba siyang panindigan ang gusto niya kahit halos kontra ang lipunan? Na halos lahat kwinikwestiyon kung sino at ano ang tao pinili niyang mahalin? Hanggang kailan kaya mairarason ni Meganne ang mga katagang, bakit hindi siya? Bakit hindi pwedeng siya? Bakit, what's wrong with Miss Alex?