Bata pa lang si Elize, ay naniniwala na sya sa mga fairytale sa kwento, na laging may happy ending. Kaya naman bata palang sya ay hinahanap na nya ang kanyang magiging prinsepe, hanggang sa nasa tamang edad na siya ay hindi parin nya natatagpuan ang kanyang prinsepe. Hanggang sa magtagpo ang landas nila ni Kenji sa isang Club kung saan sya nag tatrabaho hindi nya mapigalan ang bilis ng tibok ng puso nya at alam nyang inlove na sya dito at nahanap na nya ang matagal na nyang hinahanap, isa lang ang sigurado nya GWAPO ito at tiyak na malaki ang Agwat ng edad nito sa kanya. Hindi malaman ni Elize kung dapat ba nyang ipag-patuloy pa ang nararamdaman nya para sa lalaki dahil natatakot syang pagsisihan nya sa huli kung patuloy syang iibig dto at kung malalaman nyang may asawa na ito!