Hindi ko naman alam na magugustuhan ko siya. Hindi ko rin alam na ganoon ang maging kahihinatnan. At mas lalong hindi ko alam na ako rin pala ang masasaktan sa sarili kong kagagawan. Edi sana hindi nalang ako gumawa nang kalokohang iyon. Ako rin pala ang mahuhulog sa sarili kong patibong. Kung alam ko lang sana...hindi ko nalang sana ginawa.