Angel heart, ang nag iisang prinsesa sa Kingdom of air. Dahil sa taglay niyang kapangyarihan na wala sa lahat hinirang siyang Prinsesa, bukod dun siya ang nag iisang anak ng hari at reyna. Sa pagiging pilya, at makulit na babae sa Kaharian ipinatapon siya sa lupa ng Reyna na kanyang ina upang matuto at iyon ang parusa niya. Dahil sa paglabag sa pataran at pagkuha sa ipinagbabawal na libro at tuluyan siyang ipinatapon sa mundo ng mga tao. Makakabalik lamang siya sa Kaharian ng hangin pag nagawa niyang mag-ligtas ng tao ng walang paga-alinlangan at may buong pagmamahal. Subalit, paano kung ang prinsesa ay umibig sa mortal? na ayon sa librong kanyang nabasa ay "ang pagmamahal ay magiging dahilan ng kanyang pagkamatay?" Gugustuhin niya parin kayang umibig o iiwas nalang para mabuhay siya? -- Sa kanyang paghiginagpis at kalungkutan, magwawaksi ang hari ng mga hangin. Sa tuwing siya'y luluha, uulan ng malakas at babaha sa buong syudad. At sa tuwing siya'y masasaktan, Lalabas ang kapangyarihan niyang kinatatakutan ng lahat.. Manlalamig ang buong mundo, uulan ng yelo. At iyon ang maaaring magiging sanhi ng pagkamatay ng mga tao. Sa pagbagsak niya sa lupa, makilala niya ang lalaking may karamdaman sa kanyang puso, Ang lalaking mahina ang puso. At dahil sa kanilang pagsasama unti unting mahuhulog ang Dalagang Prinsesa, at gagawin niya ang lahat mabuhay lang lalaking mahal niya.. But helping that guy will cause of her death.