Si Poch ay si Mr. Dreamer, a bachelor who always dreaming a beautiful and a sexy girl, pero hindi naman nanliligaw kaya sa edad niyang twenty five ay wala pa ring girlfriend. Sabi nga nila ay kabilang na siya sa tinatawag na N.G.S.B. meaning No Girlfriend Since Birth. Pero papaano kung isang araw ay makita niya ang kanyang totoong Ms. Dream girl at sa di sinasadyang pagkakataon ay na-love at first sight siya sa hindi niya akalaing reigning Miss Universe pala at kontrobersyal dahil sa tsismis na ito raw ay isang transgender bukod sa mistress pa ng isang matandang Kongresista? Ano kaya ang gagawin ng binata upang makilala at mapalapit sa beauty queen? Matuklasan kaya niya ang katotohanan sa likod ng mga kontrobersya dito? Paano na ang nararamdaman niyang pag-ibig? Maipagtapat kaya niya ito sa kanyang dream girl o mananatili na namang isang pangarap sa kagaya niyang isang Mr. Dreamer?