SeriesOne Sa loob ng mahabang panahon ay naging sentro ng buhay ni Lavender si Mars. Wala siyang ibang ginawa kundi ang magpapansin rito sa kahit na anong paraan. Pati ang pang-aakit ay hindi na bago sa kanya. Pero kahit isang kusing ng atensyon ay hindi man lang siya nito pinagkalooban. Sa puntong susuko na sana si Lavender ay saka naman dumating ang gayumang nagpabago sa takbo ng love story niya. Wala siyang pinalagpas na oras. Sa kabutihang-palad ay tumalab ang gayuma. Kung noon ay para siyang pulubing nanlilimos ng atensyon sa binata ngayon ay trinato siyang parang reyna ng lalaki. Ipinagkaloob pa sa kanya ang halik na matagal na niyang pinapantasya. Ang tanging bagay na kailangan lang niyang pigilan ay ang sabihin ng lalaki sa kanya na "mahal na siya nito". Pero paano kung sa gitna ng kanyang kasinungalingan ay may iba siyang matuklasan? Kakayanin niya bang ipagkait sa lalaki ang tunay na pag-ibig para sa kanyang pansariling kaligayahan? Will Lavender continue to hold on or she will be the one willing to let go.All Rights Reserved