Si Dr. Alexander Vico Medina isang pharmaceutical scientist ay masigasig na nagsasaliksik ng isang gamot na kayang gumamot ng mga malulubhang sakit. Isang araw , gamit ang kaniyang bagong "MMED-1102" ay napagaling niya ang kaniyang pasyente sa isang malignant tumour at matapos ang ilan pang testing sa tao ay napagdesisyunan ng kaniyang kaibigan na ipakalat ang impormasyon tungkol dito. Buong mundo ay nagulat sa kanilang nalaman at maraming pulitiko ang nagkagulo dahil dito. Ipinagdiwang ng buong mundo ang kamangha-manghang pagkatuklas ng doktor sa isang gamot na kayang magligtas ng maraming buhay. Ginawa itong bakuna at maraming tao ang nakatanggap nito hanggang sa isang araw ay may naitalang sunod-sunod na pagkamatay dahil sa hindi malaman na kadahilanan.All Rights Reserved