Chakka (Inibig Mo'y Pangit)
5 parts Complete Note from the Author: Book 2 po ito ng Everything I Have. Kaya bago basahin ito, gusto kong unahing basahin ang Everything I Have dahil may ilang bahagi ng kuwentong ito na karugtong ng Everything I Have na una kong naisulat.)
Malimit kong naririnig na kapag pangit ka nahihirapan kang makahanap ng gugusto sa iyo. Sige, dagdagan natin, kapag pangit ka at wala kang pera, walang magkakamaling papansin sa iyo, o, siya siya... todohin na nga natin... kapag pangit, wala kang pera at bakla ka pa, sabi nila parang pinagtalikuran ka na ng magandang tandhana. Sa salitang bading, ang pangit ay chakka at ang isa sa mga chakkang iyon ay ako. Pero ayaw kong kawawain ang pagiging bakla ko, ako yung baklang pangit ngunit hindi naman naghihirap at dahil matalino ay may matatag namang trabaho.
-Terence
Kilalanin siya at ang kababata at matalik niyang guwapong kaibigang si Lando at kung paanong nabuo ang kanilang pagmamahalan.