"You are aptly named, a Goddess of War and a maze. Pero tingnan natin kung sino ang mananalo, dahil bukod sa hindi ako umuurong sa gulo, magsolve ng puzzle ang isa pang libangan ko."
Athena Laberinto is cynic about love. Lumaki siyang puno ng galit ang dibdib dala ng panloloko't kataksilan, hindi pa man siya naisisilang.
Nakagawa na siya ng plano, naumpisahan na nga niyang isakatuparan ang unang yugto, pero may hindi siya nakitang anggulo, ang pagdating ni Calyx Miguel Sarmiento.
"Love is so over-rated, only a fool will believe," paulit-ulit na sabi ni Athena. Hindi niya planong matulad sa ina, nagmahal, nagsaktan at nagdusa.
Hindi rin pag-ibig ang makatutunaw sa galit sa puso niya. Kailangang maramdan ng mga taong nanakit sa kanyang ina, ang pait na siya ang nagdala.
At hindi siya papayag na masira ang lahat ng plano, dahil lang sa isang binatang pakialamero...