He's an anonymous, unknown and unidentified hero. Dahil sa Inteligentísimo City mismo nailibing ang kaniyang katawang hindi na makilala dahil sa katagalan at sa pagkamatay niya, hindi na nalaman pa ng buong bansa kung sino nga ba talaga siya. Ayon sa naresearch ko, yung pinakahuling tao na nakaalam kung sino ba talaga siya ay namatay.. Lahat nang nakaalam sa kaniyang pagkatao ay namatay. Hanggang sa wala na talagang nakaalam kung sino nga ba talaga siya. One day, ang Top 3 Students ng Inteligentísimo University, including me, Tancy Anastasia Ybañez, the top 1 of Inteligentísimo University, ay nabigyan ng misyon. And guess what? Iyon ay ang alamin namin kung sino nga ba talaga ang Unidentified hero na nakalibing mismo sa aming city. Sa una, ayaw namin dahil anonymous ang nagsend sa amin ng mission at saka wala akong balak buksan ang kabaong ng isang taong hundred years nang namatay. Ngunit dahil sa pera, nang dahil sa 12 million dollars na paghahati hatian daw naming tatlo kung malalaman namin kung sino ang unidentified hero na iyon.. napapayag kami ng anonymous ' sender ' na gawin ang mission na pinapagawa niya sa amin. Wala kaming ka ide ideya kung sino ang taong iyon, ang alam lang namin ay isa siyang hero a hundred years ago. Kailangan din daw naming alamin kung bakit naging bayani ang unidentified hero na iyon at saka alamin din daw namin ang pagkatao niya. Ito na ata ang pinaka mahirap na mission at pagsubok na hinarap namin sa buhay. - Date Published: June 7, 2018All Rights Reserved