Ang terminong "BAMPIRA" ay tanyag bilang isang dyanra lalo na sa mga libro, pelikula, teleserye at ang isa sa mga kinaaadikan ng mga kabataan ngayon sa wattpad. Ano nga ba ang bampira? o ano ba ang karaniwang katangian at paglalarawan ng mga bampira?ayon sa aking pananaliksik ang mga bampira ay karaniwang namamaga ang hitsura, at namumula o maitim, sinasabing dahil ito sa pag inom ng dugo. Sa katunayan makikita ang dugo mula sa kanilang bunganga at ilong. At nakikita sila sa ataul o kabaong. Ang kanilang buhok at kuko ay mahahaba. Sinasabing ang mga bampira ay kaya ding magpagalaw ng mga bagay, mag-hypnotized ng tao at patulugin ito. Namumuhay sila sa pamamagitan ng pag inom ng dugo mula sa mga nilalang sa mundo, maging ito ay buhay o patay.