Galia Alegron. A well-known lawyer of Isla De Kastilyo. A ruthless lawyer to be exact. In demand. Dominating. Powerful. Money. Resources. Power. Name it, wala siyang kahinaan kung iyon ang hahanapin sa kanya ng mga kalaban niya sa kanyang mundo. Walang kinakatakutan lalo kung nasa katwiran. Ipaglalaban niya ang kahit na anong kasong hawak niya, kahit pa sabihing guilty ang kliyente. Ginagawa niya ang trabaho niya bilang abogado at basta't bayad siya ay walang kaso. Ipinapanalo niya iyon. Hanggang sa may isang lalaking bigla nalang gumawa ng gulo sa kanyang law firm at sinasabi nitong pinakulong niya ang tatay nitong walang kasalanan. A guy who named, Axyno Labrono. Simpleng magsasaka na puro putik ang katawan. Isang mahirap. Isang hampas lupa. Walang pinag-aralan. Iyon ang tingin ni Galia dito. Well, kung itatabi ito sa kanya ay magsisilbi itong basahan ng mga mamahalin niyang mga sapatos. Galit na galit ito sa kanya at halos isumpa siya at sinabing babalikan siya nito at kapag nangyari ang mga panahong 'yon ay ito raw mismo ang magpapabagsak sa kanya. She just laugh at him. Until they met again after five years. At ang ikinamangha niya ay hindi sila nagkita sa lupaing sakahan o ang maputik na tulugan ng mga kalabaw kundi sa korte. Yes, sa court room at ito ang kalaban niya sa kaso ng ama nito na muling binuksan matapos ang mahabang panahon. Mapapabagsak nga ba siya nito o siya ang magpapabagsak dito at ibabalik ito sa putik na pinagmulan nito?