9 bab Lengkap Hindi lahat ng hindi namamansin sa iyo ay cold. Hindi rin lahat ng tahimik ay wala sa'yong pake dahil ang iba, nagpipigil lang na makapagbitaw ng salita. Mga salitang hindi dapat sabihin at mga salitang hindi mo na dapat malaman. Iyon ang iniisip ni Dianne. Mas pinili niya ang ganoong personalidad para maitago ang tunay na nararamdaman sa kaibigan. Sa ganoong paraan, magiging maayos ang lahat.
Pero ang tanong na naglalaro sa kanyang isip, hanggang kailan? Hanggang kailan maitatago ang lahat? Hanggang kailan na lang ba niya ipagpapatuloy ang ganoong gawain?
Isasakripisyo ba niya ang pagkakaibigan nilang dalawa? O mas pipiliing pairalin ang sinasabi ng damdamin?