40 parts Ongoing Minsan may mga bagay talaga na sadyang hindi mo inaasahan. Mga bagay na, kahit kailan hindi mo alam pero bigla mo nalang nararamdaman. Yung mga pasimpleng galaw pero may malaking epekto sa sayo.
Parang pag ibig lang, iyong tipong hindi mo malaman laman kung kailan darating at kung kailan mo mararamdaman. Sabi ng iba sa isang relasyon dapat pareho kayong matatag, wag pangunahan ng galit ang puso at matutong makiramdam.
Si Jazz Laurd, ay isang transfer student from Maynila to Tolosa. Napagpasyahang sumama sa pamilya dahil sa kondisyon ng kanyang Lolo. Bagamat masayahing binata, hindi maiiwasang maging seryoso dahil sa bagong pakiramdam na nararamdaman sa lugar.
Anak ng isang maipluwensiyang pamilya sa bansa at naging dahilan rin ng matinding respeto ng mga tao sa kanyang paligid, pawang takot ang mga itong makipagkaibigan sa kanya. By
Sa kadahilanang ito ay gustong madaliin ni Jazz ang panahon ng makabalik agad sa Maynila. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon makakatagpo niya si Samantha, dahilan ng pagbabago ng takbo ng kanyang damdamin at isip. Subalit may mga pagkakataon talaga na mahirap kontrolin, na parang nililito ka ng tadhana.
Pero bakit nga ba no? Kahit ano bagay pa yan? Hahanapin mo parin ang nag-iisang dahilan para sa taong mahal mo.
********---------******
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
-FirsT Book ko guys...naninibago man gusto ko paring subukan.. sana magustuhan niyo..
Any suggestions to improve the story po are greatly appreciated.