Minsan mapagbiro talaga ang tadhana,
Minsan akala mo siya na pero ang totoo hindi pala
Minsan sa buhay kailangan natin magpakatatag sa bawat pagsubok na darating sa ating buhay .
Hindi lahat ng istorya ay nagtatapos sa happy ending at hindi lahat nagsisimula sa Masaya ay nagtatapos din sa Masaya.
Yan ang tinatawag nating mapagbirong tadhana.
Lolokohin ka paaasahin at bibigyan ng mga ngiti sa labi sa simula, ngunit di magtatagal babawiin din ang mga ngiti , saya at galak sa iyong labi at puso at papaltan ng sakit ,hinanakit at galit .
Minsan magtatanong ka,
Kung bakit ikaw pa?
Ang kailangan pahirapan ng sobra-sobra .
Minsan darating tayo sa panahon na tayo ay susuko na ngunit tandaan mo na hindi lang ikaw ang nakakaranas na masaktan.
Hindi lang ikaw ang nakakaranas na lumuha.
At higit sa lahat hindi lang ikaw ang dumaan sa pagsubok na binigay niya.
Maaaring ngayon masasaktan ka pero pagdating ng araw hihilom din yan katulad ng sugat sa ating katawan.
Maaaring hindi tunay ang mga storyang ito pero sanay magustuhan ninyo , malungkot man ang pagwawakas ngunit tanggapin natin ng hindi lahat ng love story ay may happy ending at kadamihan ng storya sa totoong buhay nauuwi sa sad ending(CC) Attrib. NonCommercial