TEASER Magkakaibigan sina Enteng , Nadare at Striker mula pagkabata hanggang nagcollege na sila at pareho ang kanilang kurso kinuha ang maging doktor. Mayaman sina Nadare at Striker natamasa nila ang magandang buhay samantala si Enteng ng dahil sa kanyang katalinuhan nakapag aral siya sa kolehiyo dahil isa siyang skolar mula elementary hanggang kolehiyo. Naging magkaibigan ang tatlo kahit na magkaiba ang kanilang pamumuhay hindi iyon alintana sa kanila. Si Enteng isang anak mahirap sariling sikap kung bakit nakapag aral ng kolehiyo dahil sa katalinohan nito. Kung hanap ng babae ugali para mapangasawa andito na kay Enteng masipag mabait at gwapo Si Nadare anak ng congresman spoiled brat sa magulang solong anak. Mayaman kung anong gusto dapat ito makuha niya. Gwapo at matinik sa chicks walang hinihindian kapag ang babae na lalapit sa kanya. Si Striker anak ng mayor gwapo din ito at sikat sa pagiging playboy. Sobrang pasaway hindi nagseseryoso ng nobya sabi pa niya ang mga girl daw only a toy. Magkapatid turingan nila sa isat isa nagdadamayan sa bawat problema. Kung problema ng isa problema ng lahat. Paano nila isakatuparan ang lahat kung may pagsubok pilit silang pagtibagin ang kanilang pagiging magkaibigan ng dahil pareho umibig sina Nadare at Enteng sa iisang babae. Sino ang magparaya at sino ang magtagumpay sa kanila sa larangan ng pag ibig. Si Rian anak ng negosyanteng mayaman.nagrerebelde sa magulang dahil kulang sa oras sa kanya. Matigas ang ulo. Ni minsan hindi nagkaroon ng nobyo dahil manhater ito kapag may lalaking manligaw sabihan agad Sorry No Time for Love inshort basted agad. Sino kaya kina Enteng at Nadare ang masuwerteng makasungkit sa puso ng dalaga.