Para sa kanya nag eexist lang ang true love sa mga piling tao. Takot syang masaktan kaya pilit nyang iniiwasan ang magmahal. Gumawa sya ng 15 signs para malaman kung dumating na ang taong para talaga sa kanya. Karamihan sa mga sign na nilikha nya ay tila imposible para masigurado na walang makakatugma sa mga ito. Ngunit pano kung dumating ang araw na makatagpo sya ng lalaking tutugma sa lahat ng senyales na hinahanap nya. Bubuksan nya kaya ang puso nya o mananatiling sarado sa takot na baka ang dala lamang nito ay gulo.