Gaano kasama ang praying mantis? Anong level ang galit mo kapag kausap mo ang tagasagot ng tawag ng PLDT? Legal ba laruin ang bird? Anong kinalaman ni San Pedro kay Shaider? Bakit nagiging higante si Ultraman? Ultra na ba yun? Halika na't pagkwentuhan ang mga kwento kong hindi dapat kinukwento. Alamin ang buhay kong walang kabuhay-buhay bago ka kumuha ng razor... para magshave ng kilikili at magbigti. Tandaan, "It's a wonderful world," gaya nga ng sabi ng crush mo noon. Pero pauso ko lang yun, yung kapitbahay niyo talaga nagsabi nun. Teka, bakit gusto mo na magpakamatay?