"I love you." Feeling ko, nagshine so bright like stars ang mata ko nang marinig ko mismo sa bibig ng idol/crush/papabels/lavabu ko. Is this true?? Siya talaga yang nagsasabi ng tatlong katagang yan? Am I dreaming? If this is a dream then... Ayoko ng magising pa! May mga paru-parong nagsisiliparan sa tyan ko. Oh.Em.Gee. "I lov--." Nagtaka ako ng bigla siyang mawala ng parang bula. Nasaan na siya? "Nate? Nate??" Bakit niya ako iniwan? Bakit bigla siyang nawala? Bakit... Sobrang sakit? "Hoy ate Cass! Gumising ka na nga diyan at tanghali na!" Nanginig ako ng may maramdaman akong malamig na tubig sa akin mukha. "Putcha! Sinong nagsabing buhusan mo A--?!" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nakita ko si Dad at Mom na nakakunot ang noong nakatingin sa akin. "G-goodmorning.. Mom, dad." Bati ko bago pumasok sa CR at ginawa ang morning routines ko. So.. Panaghinip lang ang lahat ng iyon? Ang makasama si Nate at sabihan ng 'I love you' ay isang panaghinip?! Waah!
7 parts