Isa lang akong tao
Taong nasasaktan at nahihirapan din
Taong nagkakamali
Taong walang ibang hinagad sa buhay kundi maging masaya
Taong nangangaylangan ng taong mamahalin siya ng buong puso at tatanggapin kung sino siya
Taong nangangaylangan ng pagmamahal ng isang pamilya
Ayoko na ng buhay ko. Sawang-sawa na kong maging mabait.
Gusto ko ng magbago
Totohanin na lang natin ang sinasabi nila
Na masama akong tao
Pero sa ugali kong to, may nagtatagong kabaitan at pagmamahal
Naging ganto lang naman ako dahil sa
Pang-aapi
Panghuhusga
Pananakit
Pang-aalipusta
Kaya natuto kong lumaban pero hindi rin mawawala ang kabaitan ko.
Hanggang sa dumating ang taong hindi ko inaasahan na mamahalin ako ng sobra higit pa sa hinangad ko.