The Chosen Prisoner

The Chosen Prisoner

  • WpView
    Reads 15
  • WpVote
    Votes 2
  • WpPart
    Parts 2
WpMetadataReadOngoing7m
WpMetadataNoticeLast published Sat, Jun 16, 2018
Nagising ako sa isang paniginip na may ibang pakiramdam. Pakiramdam ko, ibang tao ako. Tumayo ako mula sa pag-kakahiga at lumapit sa bakal na siyang kumukulong sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyare, tinraydor ako ng lahat ng tao. Bakit ko kailangan pagbayaran ang hindi ko kasalanan? Bakit kailangang nasa kulungan ako samantalang wala naman akong kasalanan? Bakit? Ang bilis ng pangyayare, sa isang iglap, bumaliktad ang buong mundo. Ang dating hinahangaan, ngayon ay pinagtatawanan at kinasusuklaman. At sa isiping iyon, napaupo ako sa malamig na sahig ng seldang iyon. Sunod sunod na pumatak ang mga luha ko. Ang mga luhang puno ng hinanakit. Pero hindi nito nabawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Dumaan ang isang pulis na may hawak na maliit na kahoy sa harap ng selda ko. Dumaan siya na parang walang nakita. Lilinga-linga sa paligid na lagi niyang ginagawa tuwing umaga. Dapat ay magalit siya sa akin dahil heto ako at nag-bibigay ng ingay ngunit wala akong natanggap ni isang salita galing sa kanya. Tumingin pa siya sa loob ng selda ko at tumango tangong umalis. T-teka.. Mabilis akong tumayo at humawak sa bakal pero.. p-pero, wala akong naramdaman na bakal. Hinawakan kong muli ngunit, w-wala.. Kinaway kaway ko ang kamay ko roon pero nalulusutan ko ang lahat! Nakita kong tumayo ang tao sa tapat kong selda kaya sinigawan ko siya. "F-Fernan!!" Pero parang wala siyang narinig at pinagpatuloy ang ginagawa. Inulit ko pa pero wala talaga siyang lingon man lang sa akin. Anong nangyayare? Lumapit pa ako lalo sa bakal at inilusot ang kalahating katawan! Nagulat ako dahil para akong multo na nakalusot! P-paanong? Inilabas ko na ang buo kong katawan at hindi nga ako nagkamali, pwede na akong makalabas! A-anong nangyayare? Pagtingin ko sa kama ko ay.. A-andon ako? Mali.. A-andon ang katawan ko!!!!
All Rights Reserved
#4
kimyoungkwang
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Tell Me You Love Me Too
  • 𝐜𝐫𝐨𝐬𝐬-𝐝𝐫𝐞𝐬𝐬𝐞𝐫 | 𝐣𝐣𝐤 ✓
  • Dirty Minho ~ MinSung (Part.1)
  • Saviour
  • Know Me If You Can - A Taekook Love Story
  • Favourite idol is the mafia leader
  • Dangerously In Love || Heesung ff
  • PSYCHO!!!!!!⛓️(DEADLY OBSESSION????)j.jk
  • Luminaria
  • Let's Not Fall In Love

Umpisa pa lang alam ko sa sarili ko na hindi mo naman susuklian ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo. Una pa lang alam ko ng kapatid lang ang tingin mo sa akin habang sa kaniya tingin mo ay magiging asawa at maging nanay ng mga anak mo. Alam ko. Sa umpisa pa lang alam na alam ko. Pero kahit totoong alam ko sa sarili ko ang bagay na 'yan. Mas pinili kong magbulagbulagan kasi akala ko makikita mo din ako, hindi bilang kaibigan o kapatid kundi bilang isang babae. Akala ko sa paglipas ng panahon ay matututunan mo din akong mahalin at piliin kahit pa iniwan ka niya. Akala ko mapapalitan ko siya sa puso mo. Ngunit sa paglipas ng panahon. Mas lalong maging malinaw ang lahat. Naging sobrang linaw na hindi na kayang maging bulag bulagan. Hindi ko maiwasang mag tanong kung anong mali sa sarili ko. Ako naman yung nandito sa tabi mo pero bakit hindi ako? Bakit kahit wala na siya ay kalaban ko pa din siya diyan sa puso mo? Bakit kahit wala na siya ay kahati ko pa din siya sa diyan sa atensyon mo? Bakit... Bakit hinihintay mo pa din siyang bumalik sa'yo?

More details
WpActionLinkContent Guidelines