Ang aklat na ito ay antolohiya ng mga akdang creative fiction at non-fiction na naglalaman ng personal na karanasan, damdamin, at opinyon ng may-akda. Isa itong kalipunan ng mga tula, maikling kuwento, at sanaysay na pumapaksa sa usapin ng pag-ibig, pananaw sa buhay at sa sarili na nakasandig sa punto de vista ng isang taong nasa ikatlong kasarian. Pinamagatan itong Mga Tinik sa Talampakan dahil pinipintig nito ang panaghoy sa buhay ng manunulat. Mga tinik na araw-araw sumusugat sa puso.All Rights Reserved