Kasiyahan. Kagalakan. Mga nais kong muling maramdaman. Saya na kasalungat ng lungkot. Saya na naramdaman ko nang makasama kita. Iyon ba talaga 'yon? Saya na may kapalit na sakit at pighati. Tawa na may kapalit na mga luha. Napakasakit. Nakaramdam ako ng saya no'ng dumating ka sa buhay ko. Gayon din ng lungkot no'ng ika'y lumisan, mahal ko. Maganda ang simula natin pero nagtapos sa isang bangungot. Lahat nagbago. Lahat lahat. Ang dating saya ay napawi at tuluyang naluklok ang lungkot. Nabubuhay ako sa piling ng lungkot at natutulog sa hele ng sakit. Kakayanin ko pa ba? O dapat na akong mawala kasabay ng aking nararamdaman? Pero paano na kaya 'pag may dumating at tulungan ako? "Sana nga siya na ang magbigay sa akin ng saya. Sana siya na ang maglabas sa akin dito sa aking pagkakabilanggo." But... I'm afraid. Ayoko nang masaktan muli. Should I take the risk? Or be with sorrow continuously? Nakakatakot. Nakakalito. Nakakasakit. Ayoko na. Kailan ko ulit maituturan ang mga katagang... "Basta ako, masaya kasama ka."