Sa dinami-dami ng tao sa mundo, sino ang mapagkakatiwalaan na sabihan ng problema o sikreto? May kasabihan nga na kung sa sarili mo hindi mo maitago yung sikreto, paano ka makasisigurado na yung isang taong pagsasabihan mo ay hindi yun sasabihin sa iba? Kung ikaw ang tatanungin, saan o paano ka magkakaroon ng peace of mind? May ibang nagpupunta sa malayong lugar at nag-a-unwind. May ibang pumupunta sa gilid ng dagat para sumigaw. May ibang umiinom na lang para makalimutan ang mga problema. Yung iba naman, nagda-drugs… nagpapakaadik… sinisira ang buhay. Yung iba, kinikimkim ang problema kaya nababaliw. Nagawa na niya ang lahat pero hindi pa din niya malagpasan ang problema. Paano pa ito mawawala? Kaya kaya ng isang taong hindi naman niya talaga kakilala na pagaanin ang loob niya? girlinwhitegloves' love letter: This is a short one. One shot lang. I hope may matutunan tayo kay Amber. :)