"Ka-destiny ko." Ito ang tawag ni Mikayla Garcia sa P-Pop Prince na si Jett Salazar. Naging super crush at naging super idol niya si Jett magmula nang mapanood niya ito sa isang singing contest sa TV. Alam ni Miks na isa lang siyang fan na hanggang paghanga na lang at pagsuporta ang magagawa para sa idolo. Pinagtatanggol din ni Mikayla si Jett sa mga forums sa internet from his bashers. Gaya ng ibang loyal, crazy fans, gusto rin ni Mikayla makita at makilala si Jett. Dumating ang magandang pagkakataon kay Mikyala. Magtatagpo na rin sa wakas ang mga landas nila ni Jett Magkakasama sila sa isang movie. At kung susuwertihin nga naman, siya pa ang leading lady ni Jett. Bongga! Ito na kaya ang pinakahihintay niyang pagkakataon na magkaroon ng close encounter sa matagal nang hinahangaang idolo? Magkaroon kaya si Mikayla na maka-chancing sa crush sa mga kilig scenes ng gagawin nilang pelikula? Hanggang saan siya dadalhin ng once in a lifetime chance na ito? Enjoy Reading!!!