Wag kang magpapadala sa nararamdaman mo dahil sa huli, ikaw lang ang magmumukang tanga at kaawa-awa. Eh kahit naman ipakita mo sa kanya na nasasaktan ka, hindi pa rin naman nya masusuklian mo para sa kanya eh diba ? Well, siguro sa inyo pwedeng may magbago. Pero sakin ? Hmmm.. May nagbabago din naman. Yung pagbabago nga lang eh MAS nagmumuka akong tanga dahil sa hindi ko pagsuko. Ang sakit lang eh. Pero nung siya na mismo ang nagsabi saking sumuko na ako sa kanya, dun ko na pnalaya ang sarili ko sa sakit. Para bang sinampal ng kaliwa't kanan sakin yung katotohanan na kahit anong gawin ko, eh hinding-hindi nya ako mamahalin.